Makasaysayan ang taong 2009 sa organisasyon ng UMANGAT. Bilang isang grupong naninindigan at tumataguyod sa mga batayang karapatan at interes ng manggagawang migrante at ng sambayanang Pilipino, ito’y nakapaglunsad ng mga inisyatibong kampanya at programa na sinuportahan ng malawak na bilang ng mga migrante sa Roma.
Sa unang buwan pa lamang ng Enero kagyat na kumilos ang grupo upang tutulan ang muling pagpatupad ng Embahada ng Pilipinas sa 50euro passport fee imbes na 40euro na panandaliang pinalasap sa migrante noong Disyembre. Ang pagbalewala ng kinauukulan sa hinaing migrante ang nagtulak upang magsagawa ng pagpiket sa harap ng embahada noong Pebrero.
(click icon to read the pages)