Defend and uphold migrant's rights!

Umangat-Migrante

via Giolitti, 231 Roma, 00185 Italia
338-9707897
umangatmigrante@gmail.com

ANNOUNCEMENT

INTERNATIONAL WOMEN'S DAY CELEBRATION

March 9, 2014 (15:00-17:00) 

Ass. Articolo 3. via Dancalia 19, ROMA 

 

MAKIALAM PARA SA PAGBABAGO'T PAGBABAGO PARA SA PILIPINO

29/04/2010 12:23

Ang Halalan 2010 ay isang konkretong paraan ng ating pakikilahok at paki-alam sa ating bayan sa pamamagitan ng pagsakatuparan sa ating batayang karapatang bumoto o “right to suffrage” sa ilalim ng ating saligang batas. Tayong mga migrante ay may karapatang bumoto kahit nasa labas tayo ng ating bansa sa bisa ng batas na tinatawag na Overseas Absentee Voting law(OAV) na isinabatas at isinakatuparan may sampung taon na ang nakaraan. Tayo ay maaaring bumoto sa ating embahada mula noong Abril 10 hanggang sa Mayo 9, 2010 mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon (Lunes – Linggo) at sa Mayo 10 mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali. Ang mga sumusunod ay maari nating iboto - Pangulo ng ating bansa, Bise-presidente, 12 senador at isang partylist.

Sa mga nakalipas na halalan, marami sa mga kababayang migrante ang natuwa dahil kahit nasa labas tayo ng ating bansa ay maaari ng marinig ang ating mga tinig sa pamamagitan ng balota; at bukod sa naisasa-praktika natin ang ating karapatang bumoto ay nakapili rin tayo ng mga pinuno na huhubog at titimon sa ating pamahalaan tungo sa tunay na kapakanan ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng OAV ay muli tayong nagkakaroon ng silbi bilang mamamayan ng ating bayan. Alam nating lahat na kaya tayo ay nangibang bayan upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang ating mga mahal sa buhay na di natin nasumpungan mismo sa bayan na ating sinilangan.

Ngunit isa sa mga malaking balakid at kawalan ng tiwala ng mga migrante sa halalang bayan ay ang pagkabigo nito sa nagdaang eleksyon 2004 na di-umano'y ang ibinoto nilang si FPJ ay nagtala ng zero vote pagkatapos ng bilangan. Pero ito nga ba'y totoo at ano naging batayan nito?

Continue reading with this link: abril2010.pdf (1,1 MB)

Make a free website Webnode