Defend and uphold migrant's rights!

Umangat-Migrante

via Giolitti, 231 Roma, 00185 Italia
338-9707897
umangatmigrante@gmail.com

ANNOUNCEMENT

INTERNATIONAL WOMEN'S DAY CELEBRATION

March 9, 2014 (15:00-17:00) 

Ass. Articolo 3. via Dancalia 19, ROMA 

 

Kababaehan noon ... ngayon

09/03/2014 09:31

STATEMENT: Women's Committe Umangat Migrante Italy

Marso 8 ang ika-103 daang taon ng pagdakila sa pandaigdigang araw ng kababaihan. Daang taon na ang lumipas subalit patuloy at tuloy-tuloy pa rin ang pakikipaglaban ng mga kababaihan sa ibat ibang panig ng mundo lalong-lalu na ang mga kababaihan sa Pilipinas sapagkat magpahangagang ngayon ay tila nalulunod sa kumunoy ng kahirapan ang ating mga kababayan at ang pinakaunang naapektuhan ay tayong mga kababaihan at mga kabataan.

Dahil sa pagtataas ng bill sa Meralco at presyo ng langis, ang lahat ng mga bilihin ay nagtaasan. Kaalinsunod din nito ay ang pagtataas ng matrikula sa mga paaralan na walang ibang nagpapasan kundi ang mga kababaihan (tayong mga magulang). Isa pang malaking dagok at pasanin na nagpapahirap ng husto sa ating mga kababaihan ay ang pagsasapribado ng Fabella Hospital, ang nag-iisang ospital na inaasahan ng mga kababaihan na makapagluwal ng kanilang mga sanggol ng libre dahil wala na sila iba pang maasahang pagkukunan ng kanilang pambayad sa panganganak at dahil hindi rin sapat ang kinikita ng ating mga asawa o ng buong pamilya.

Ito ang isa sa napakaraming dahilan na nagtulak sa mga magulang - sa atin na iwanan ang ating mga sariling pamilya para makipagsapalaran sa ibang bansa para maibsan ang kahirapang nararanasan sa sariling bayan at magkaroon ng magandang kinabukasan ang ating mga mahal sa buhay. Subalit pagdating sa bansang pinuntahan, hindi rin sila o magoing tayo nakakatiyak kung anong klaseng buhay ang ating kakahinatnan. Sa kasawiang palad ang iba nating mga kababayang kababaihan ay pinagsasamantalahan ng kanilang mga employer. Naririnig natin ang mga ibat-ibang masasakit at di-makataong karanasan na pilit tinititiis makaahon lamang sa kumunoy ng kahirapan at malamnan ang mga kumakalam na sikmura. Marami sa atin ang nag-aalaga ng mga anak ng ibang tao ngunit ang ating mga sariling anak ay luhaan nating iniwan at nagtiis sa uhaw ng kalinga sa sariling magulang.

Subalit mga kababaihan ko, kahit anong pagsisikap natin dito sa ibang bansa ay nagpatuloy pa rin ang kahirapan nating dinadanas at dadanasin pa kung patuloy pa ring naghahari ang mga taong mapagsamantala at uhaw sa kayamanan at kapangyarihan na nagluwal ng kahirapan. Sila ang mga taong walang pakiaalam sa kinabukasan ng ating mga kabataan at nagpondar ng sistema para lamang sa kanilang sariling kapakanan. Patuloy pa rin ang pag-iral ng corruption sa ating bansa at ang bulok na sistema ng gobyernong sakim sa kapangyarihan.

Kaya mga kababihan panahon na upang tayo ay magkaisa at magtulungan sa pakikibaka upang wakasan ang kahirpan na ating naranasan. Huwag nating hayaan na maubos ang ating lakas sa pangangamuhan. Kaya mga kababaihan panahon na upang tayo ay   kumilos. Malaki na ang  naitaguyod ng mga kababihan noon, kaya walang kaduda-duda na meron pa rin tayong magagawa ngayon. 

Sulong kababaihan ... huwag matakot  … ipagpatuloy ang laban na ating nasimulan.

Reference: Virgie Ilagan Reyes
             Coordinator Umangat Women's Com