Defend and uphold migrant's rights!

Umangat-Migrante

via Giolitti, 231 Roma, 00185 Italia
338-9707897
umangatmigrante@gmail.com

Blog

Noong ika 19 ng Setyembre, ginunita ang ika-tatlumput walong taon mula ng ideklara ang Batas Militar ng rehimeng diktadura at pasista ni Ferdinand Marcos noong Setyembre 21, 1972. Ito’y pinangungunahan ng organisasyong, Umangat, Migrante at Solidmove.....(Click to read more) .sept2010.pdf (1,7 MB)

Pormal na iniharap ng UMANGAT-MIGRANTE Roma ang pagtutol sa pagtaas ng Passport Fee at sa Mandatory Membership Clause ng RA 9679 sa Pasuguan ng Pilipinas sa Italya. Ang Position Letter ng grupo ay ini-abot ng delegasyon na pinangunahan ni Ted Dalisay, Chairman ng UMANGAT—MIGRANTE Rome kay Amb. Romeo Manalo at sa Consular panel nitong 22 ng Hulyo, 2010.

Ang samahang Ugnayan ng Manggagawang Migrante Tungo sa Pag-unlad (UMANGAT-MIGRANTE) ay myembro ng MIGRANTE INTERNATIONAL, pinakamalawak na pandaigdigang alyansa ng mga migranteng Pilipino na nagsusulong ng mga karapatan at kagalingan ng mga manggagawang migranteng Pilipino....( click to read more )

Sobrang saya ang naganap na UMANGAT Family Day 2010 sa Parco di Pineta Sacchetti, Roma noong nakaraang Hulyo 4, 2010 na may temang KMP3 (Kaluskos Musmos para sa Pag-uugat ng Pamilyang Pinoy). Tampok sa pagdiriwang na ito ang mga awiting makabayan, sa pakikibaka at tradisyunal, mga larong lahi tulad ng tumbang preso, bugtong-dugtungan, karera ng mga namamalengke, aso’t pusa, luksong bukid at marami pang iba. May salu-salo rin sa pananghalian at meryenda.

Masayang masaya ang mga kabataan (second generation Italian) at pati na rin ang mga matatanda na sumali sa mga laro at patimpalak. Nag-uwi rin ang iilan ng mga papremyo mula sa mga masugid na taga suporta ng UMANGAT at sa ipinaglalaban ng mga migrante.

Nagbigay- kulay rin sa programa ang mga makabayan at sinaunang awitin pinagsaluhan ng mga magagaling na mang-aawit ng grupo sa pangunguna ni Fr. Aris Miranda.

Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng humiigit kumulang sa limampung katao sampu ng mga kabataan. Naging matagumpay ang Family Day sa pakikiisa ng mga sumusunod na grupo: Torrevecchia Filipino Community, Gran Madre di Dio Filipino Community, San Leone Magno Bocea Filipino Community, Euclide Kaibigan Group, Balduina Boys and Families, at ng grupo ng mga panggalatok.

Ito rin ay nagbigay daan sa pagpapakilala sa mga bagong henerasyon ang mga katutubong larong Pinoy at pagsasariwa ng mga matatanda noong kabataan nila na puno ng saya kahit sa gitna ng kahirapan o kasalatan sa buhay. Ang mga larong katutubo ay nagpapatunay na ang tunay na tagumpay ay di nakukuha sa palakasan kundi sa pagkakabuklod-buklod, talino at galing.

Ang Family Day ay inorganisa ng Ugnayan ng mga Manggagawang Migrante Tungo sa Pag-unlad (UMANGAT), Ugnayan sa Himpapawid 88.9 FM at ng Solidarity Movement (SOLIDMOVE).  Read more...

Ni Anna Brusola

 

TUNAY NA KULAY NG KALAYAAN

08/06/2010 23:27

Tuwing buwan ng Hunyo ay ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan (Independence Day). Namumulaklak ng mga banderas ang paligid ng ating embassy sa Italia at napupuno ng tao ang Piazza Manila o sa Ankara – may programang pangkultura, konsyerto at mga pananalitang mensahe ay pag-asa. Ngunit tunay na nga ba tayong malaya? Ano nga bang ibig sabihin ng pagiging malaya? Ano nga ba ang tunay na naganap sa ating kasaysayan at sa araw na tinaguriang Araw ng Kalayaan?

Click here to read more.

Ang Halalan 2010 ay isang konkretong paraan ng ating pakikilahok at paki-alam sa ating bayan sa pamamagitan ng pagsakatuparan sa ating batayang karapatang bumoto o “right to suffrage” sa ilalim ng ating saligang batas. Tayong mga migrante ay may karapatang bumoto kahit nasa labas tayo ng ating bansa sa bisa ng batas na tinatawag na Overseas Absentee Voting law(OAV) na isinabatas at isinakatuparan may sampung taon na ang nakaraan. Tayo ay maaaring bumoto sa ating embahada mula noong Abril 10 hanggang sa Mayo 9, 2010 mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon (Lunes – Linggo) at sa Mayo 10 mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali. Ang mga sumusunod ay maari nating iboto - Pangulo ng ating bansa, Bise-presidente, 12 senador at isang partylist.

Sa mga nakalipas na halalan, marami sa mga kababayang migrante ang natuwa dahil kahit nasa labas tayo ng ating bansa ay maaari ng marinig ang ating mga tinig sa pamamagitan ng balota; at bukod sa naisasa-praktika natin ang ating karapatang bumoto ay nakapili rin tayo ng mga pinuno na huhubog at titimon sa ating pamahalaan tungo sa tunay na kapakanan ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng OAV ay muli tayong nagkakaroon ng silbi bilang mamamayan ng ating bayan. Alam nating lahat na kaya tayo ay nangibang bayan upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang ating mga mahal sa buhay na di natin nasumpungan mismo sa bayan na ating sinilangan.

Ngunit isa sa mga malaking balakid at kawalan ng tiwala ng mga migrante sa halalang bayan ay ang pagkabigo nito sa nagdaang eleksyon 2004 na di-umano'y ang ibinoto nilang si FPJ ay nagtala ng zero vote pagkatapos ng bilangan. Pero ito nga ba'y totoo at ano naging batayan nito?

Continue reading with this link: abril2010.pdf (1,1 MB)

First blog

12/02/2010 15:35

Our new blog has been launched today. Stay focused on it and we will try to keep you informed. You can read new posts on this blog via the RSS feed.

<< 1 | 2

ANNOUNCEMENT

INTERNATIONAL WOMEN'S DAY CELEBRATION

March 9, 2014 (15:00-17:00) 

Ass. Articolo 3. via Dancalia 19, ROMA